Advertisers
UMABOT na sa 10,721 high value targets ang nadakip simula nang ikasa ang ‘war on drugs’ ng Duterte administration noong 2016.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama sa mga naaresto ang 287 dayuhan; 362 elected officials; 102 uniformed personnel; 445 government employees; 3,098 target listed; 751 drug group leaders at members; 66 armed group members; 1,035 drug den maintainers; 232 wanted listed; 18 celebrities; at 4,325 naaresto mula sa high impact operations.
Sa 183,525 anti-illegal drugs operations na isinagawa July 1, 2016, nakulong ang 266,126 drug suspects.Habang naitala namang patay ang 5,942 suspected drug personalities.
(Gaynor Bonilla/Mark Obleada)