Advertisers

Advertisers

Empleyado ng kapitolyo sa Cagayan nagnakaw ng relief goods

0 267

Advertisers

Cagayan – Labis na ikinagalit ni Governor Manuel Mamba ang ginawang pagnanakaw ng isang empleyado ng Provincial Engineering Office ng mga donasyong relief goods.
Hindi naiwasan ng Gobernador na magalit sa ginawang ito ng empleyado na hindi muna pinangalanan bagaman nanunungkulan na sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa loob ng 22 years.
Ayon kay Mamba, inilagay ng empleyado ang kinuha niyang relief goods sa waste basket para hindi mahalata pero nakunan ito ng CCTV camera.
Giit ng Gobernador, isang “mortal sin” sa sinumang empleyado ng kapitolyo ang mag-uwi ng kahit isang relief goods. Pwede lang, aniya, silang kumain habang nagre-repack pero hindi nito papayagan ang dating nakasanayang pag-uuwi ng relief goods.
Sinuspinde na ang magnanakaw na empleyado at sinampahan narin ng kaukulang kaso.
Ipinag-utos din ni Mamba na sibakin sa trabaho kung kinakailangan ang nasangkot na empleyado.
Iniimbestigahan narin kung may mga kasabwat pang ibang empleyado o security guard ng pamahalaan panlalawigan ang naturang empleyado. – REY VELASCO