Advertisers
PINAYAGAN na ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga menor de edad na makapunta sa mall.
Pero nilinaw ni Remulla na tanging mga edad 10 pataas lang ang pwedeng isama sa mall. Kinakailangan din na mayroon silang kasamang magulang o guardians.
Ang mga edad 9 pabababa ay hindi parin maaring lumabas.
Ang mga Senior Citizen, edad 60 pataas, ay maari ring magpunta sa mall.
Simula Dec. 1 ay binawi narin ni Remulla ang pag-iral ng liquor ban sa Cavite. Pero mahigpit pang ipinagbabawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.(Irine Gascon)