Advertisers
NAGBABALA ang isang barangay chairman sa mga gumagamit ng kanilang barangay certificate para gawing hanapbuhay sa pamamagitan ng pagso-solicit at paglikom ng pera mula sa mga opisyal ng gobyerno.
Partikular na pinag-iingat ni Chairman Lourdez Gutierrez ng Barangay 163 Zone 14, Tondo 2 ang mga opisina ng mga Konsehal, Office of the Vice Mayor, at Office of the Mayor sa Manila City Hall.
Gayundin, ang opisina ni 2nd District Congresman Rolan “CRV” Valeriano at DSWD.
Ayon kay Gutierrez, ginawa nang hanapbuhay ng ginang na si Cherryl Obligar, ng 2629 Int. 24 Dagupan Ext., Tondo, Maynila ang pagso-solicit sa mga opisina upang humingi ng tulong pinansyal kung saan paulit-ulit na ginagamit ang Barangay Certificate ng kanilang barangay.
Ayon pa sa Punong Barangay, kinumpiska na ang inisyu sa kanyang barangay certificate, ngunit marami pala itong kopya o xerox copy kaya malaya pa-ring nakakapag-solicit
Naispatan narin ito sa opisina ng isang Konsehal sa Maynila at nang kumpiskahin ang hawak na barangay certificate ay agad nitong inagaw at nagbanta na magsusumbong sa opisina ng alkalde.
Napag-alaman na may kasong Theft si Obligar sa nasa-bing barangay ngunit hindi na nagsampa ng kaso ang complainant nang marekober ang ninakaw nitong cellpohone.
(Jocelyn Domenden)