Advertisers

Advertisers

P2.4m ‘Agarwood’, nakumpiska sa Port of NAIA

0 210

Advertisers

AABOT sa P 2.4 milyon halaga ng ‘Agarwood’ ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA mula sa isang bodega na malapit sa pandaigdigang paliparan ng bansa.
Ang nasabing kontrabando na mayroong timbang na 28 kilos ay itinuturing na ‘most epensive tree in the world’ dahil sa pambihira nitong kabanguhan na sinasabing matatagpuan lamang sa gitna ng mga kagubatan sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa ulat ng BOC-Port of NAIA, nakalagay sa tatlong kargamento ang nasabing kontrabando kung saan ay ipinadala ito ng isang residente galing Davao City patungong United Arab Emirates (UAE) na nasa bodega ng Fedex warehouse.
Ang naturang mga kargamento ay idineklarang ‘face masks and clothes’,’ shoes and handbags’ at ‘ leather jackets, face masks and man pants’ subalit nabuko agad nang dumaan ang mga ito sa x-ray scanners at isailalim sa 100% physical examination.
Napag-alaman sa Department of Enviroment and Natural Rsources (DENR) na ang ‘agarwood’ ay nauuri sa ilalim ng Appendix 2 of the Convention on the International Trade inEndangered Species of Wild Flora and Fauna (CITIES).
Ang dagta ng naturang mamahaling puno ay mayroong halaga dahil sa natatanging samyo o amoy na ginagamit na pabango sa Middle East at Asya.( Jojo Sadiwa)