Advertisers

Advertisers

Tulak todas sa barilan

0 200

Advertisers

TODAS ang wanted na notorious drug pusher nang makaengkwentro ang mga pulis sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.
Kinilala ang napatay na si Nestor Sumido Jr. alyas Tong, 33- anyos, ng Sitio Kabungan Malabon, Brgy. Sto Cristo.
Sa report, kabilang si alyas Tong sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may tatlong standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA9165, direct assult at attempted homicide.
Ayon sa ulat, 7:15 ng umaga nang maganap ang insidente.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang 4 plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000.0.(Thony D. Arcenal)