Advertisers
PATAY ang 21-anyos na call center agent nang barilin sa labas ng isang beach resort sa bayan ng Liloan, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Kaysyh Billones Dumagat, residente ng Barangay Pajac, Lapu-Lapu City.
Sinabi ni Police Master Sergeant Arni Goc-ong na kasama ni Du-magat ang kanyang mga kaibigan nang magtungo sa resort Huwebes ng gabi, Dis. 3.
Sa report, lumabas ang biktima sa resort dahil may tumawag sa kanya sa cellphone.
Ayon sa mga testigo, dalawang lalaki ang nakita nilang lumapit sa biktima at binaril ito.
Tumakas ang mga salarin sakay ng motorisklo.
Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.