Advertisers

Advertisers

Face-to-face classes sa tertiary level pag-iisipan pa – Sec. Galvez

0 253

Advertisers

Maganda umano na maibalik na ang face to face classes sa tertiary level, partikular na sa medical courses para kahit papaano ay makahinga na ng maluwag ang mga healthcare workers sa bansa, ayon kay National Policy Against COVID0-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez.
Ayon kay Galvez, malaki raw ang maitutulong nito para sa mga magigiting na health workers sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.
Subalit magiging case to case basis aniya kung papayagan ang face to face classes. Hindi raw kasi papayagan ng gobyerno ang anomang educational institution na magsagawa ng face to face sessions na hindi naman aprubado ng mga otoridad lalo na ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang tanging gagawin lang daw nila ay suriin ang pasilidad ngunit may third party pa rin ang mag-iinspeksyon kung nasusunod ang mga ipinapatupad na minimum health standard at kung nagawa rin ang re-engineering at reconfiguration alinsunod sa protocols ng Department of Health (DOH).
Binisita na ng task force ang ilang medical schools tulad ng Our Lady of Faima University sa Valenzuela at Holy Angel Trinity University para tingnan ang kanilang paghahanda at reconfiguration para sa posibilidad ng face to face classes.
Dagdag pa ni Galvez, makikipag-ugnayan ito sa Department of Education (DepEd) para talakayin kung ano ang magiging plano kung sakali man na muling payagan ang on-site learning sa mga educational institutions.
Ang hakbang na ito aniya ay para na rin sa mga estudyante na ang kurso ay kinakailangan ng experiential learning o face to face activities.
Sa kabila nito ay nagpaalala pa rin si Galvez sa publiko na huwag magpakampante dahil wala pa ring pagbabago sa naitatalang COVID-19 cases sa bansa araw-araw. (Josephine Patricio)