Advertisers

Advertisers

Panukalang magpapalakas ng legal staff ng DOJ lusot na sa House committee

0 199

Advertisers

INAASAHANG mapagbubuti na ang Legal Staff ng Department of Justice (DOJ) matapos aprubahan ng House Committee on Justice ang panukala para dito.
Sa unnumbered substitute bill ng pinag-isang House Bill 4496 at 6369, ay papalitan ang pangalan ng DOJ Legal Staff bilang Office of the Chief State Counsel, gayundin ay tutukuying muli, palawigin, gawing makatuwiran at gawing propesyonal ang kagawaran.
Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na may-akda ng HB 4496, ang Legal Staff ay kulang sa kawani at nangangailangan ng kaunlaran sa organisasyon upang makapaglingkod ng husto sa kanilang mandato.
Dagdag ni Fortun na ang naturang posisyon ay maikukumpara sa mga posisyon ng nasa Office of the Solicitor General.
Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill ay gagawin na itong katulad ng mga miyembro ng hudikatura,” aniya.
Sasakupin na rin nito ang mga bagong tungkulin at kapangyarihan tulad ng pangunguna sa negosasyon sa mga tratado, convention, at kasunduan na may kaugnayan sa international legal cooperation, magsilbi bilang legal adviser sa iba pang government agencies para sa negosasyon at implementasyon ng international agreements at pangunahan rin ang mga negosasyon na may kagunayan sa legal at constitutional issues. (Henry Padilla)