Advertisers
KAMPANTE ang Department of Health( DOH) na aalisin na ng pamahalaan ang mga health quarantine protocols na ipinapatupad sa bansa sa susunod na taon.
Ito ang naging reaksyon ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire kaugnay ng naging pahayag ni NEDA Dir. General Karl Kendrick Chua, matapos nitong sabihin na posibleng manatili pa sa quarantine ang bansa hanggang sa susunod na taon.
Ayon kay Vergeire, posibleng alisin na sa quarantine sa ikatlong quarter ng 2021.
Gayunman, sinabi naman ni Vergeire na hindi pa rin naman malinaw ang posibleng mangyari at kailangan pa rin namang pag-aralan ang mga dapat na ipatupad sa bansa. (Josephine Patricio)