Advertisers
Higit sa P1 milyon halaga ng nasabat na iligal na droga sa isang miyembro ng LGBT group sa Brgy. Subangdaku, sa lungsod ng Mandaue, Sa lalawigan ng Cebu.
Kinilala ang suspek na si Vicente Secretaria o kilala sa pangalan na Amanda, 43, at nanululuyan sa Brgy. Mambaling sa Lungsod ng Cebu.
Sa report, inamin ni alyas Amanda ang krimen at sinabing napag-utos lang siya ng kaibigan na isang miyembro rin ng LGBT group na ihatig ang mga iligal na droga sa kapitbahay na siyudad. Nakuha mula sa suspek ang aabot sa 200 gramo ng shabu, na naghahalaga ng P1.36 million.
Ayon pa ni PLt. Troy John Lalamunan ang team lider sa pinagsanib na pwersa ng City Intelligence Unit (CIU) at City Drug Enforcement Agency (CDEU) na matagal na nitong isinalalim sa surveillance si alyas Amanda.
Mahaharapin si Amanda sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.