Advertisers

Advertisers

Beybi hinostage ni Daddy

0 207

Advertisers

Nasagip ang 2-buwang sanggol nang i-hostage ng sariling ama sa bayan ng Cateel, Davao Oriental Miyerkules ng gabi.
Ayon sa ulat, hinostage ng 24-anyos na si “Rey” ang kaniyang asawa’t anak sa kanilang bahay sa Sitio Bawod sa Brgy. San Antonio gamit ang isang itak.
Sinubukan ng mga pulis, barangay kagawad, at mga tanod na kumbinsihin si Rey na huwag saktan ang kanyang mag-ina.
Imbes na sumunod, dinala ni Rey ang sanggol sa may ilog, tinutukan ng itak sa leeg, at nagbanta na papatayin ang sanggol.
Sa report, nilapitan ng team leader na si Police Chief MSgt. Ruben Iway si Rey, pero nagalit ito at tinaga ang pulis na nakailag naman.
Nadulas si Rey sa may ilog habang umaatras at nabitawan ang bata, na agad namang nasagip ng mga rumespondeng pulis.
Nabaril si Rey at dinala sa Mati Provincial Hospital at kasalukuyang nagpapagaling habang binabantayan ng mga pulis.
Inihahanda ang kasong kriminal laban kay Rey.