Advertisers
Pumanaw na si ex-Mayor Romeo Romar Portes ng Pagbilao, Quezon makaraan ang mahigit isang linggo nang barilin noong ika-24 ng Nobyembre.
Binaril si Portes sa labas ng bahay ng kanyang anak at kaagad siyang dinala sa isang ospital sa Maynila.
Ayon sa kayang pamilya, nasa kanilang tahanan na sa Pagbilao ang mga labi ng dating alkalde.
Matatandaang naglabas ng P500,000 pabuya ang mga kaanak ng biktima sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga nasa likod ng krimen.
Napasalamat naman si Pagbilao Mayor Sheirre Ann Portes-Palicpic, anak ng yumaong alkalde, sa lahat ng mga nag-alala at nakiramay ka kanilang pamilya.