Advertisers

Advertisers

DADDY NA-PRANING SA ALAK, MGA ANAK PINAGTATAGA: 1 PATAY, 1 PUTOL ANG KAMAY

0 269

Advertisers

WALANG AWA na pinatay ng isang ama ang sarili nitong anak at pinutulan naman ng mga kamay ang kanyang stepdaughter sa Barangay Estaca, Pilar, Bohol.
Kinilala ang salarin na si Rufino Ibañez.
Sa ulat, nangyari ang krimen Nobyembre 6 kungsaan nasa impluwensiya ng alak ang akusado. Ginamit nito ang itak at walang habas na tinaga ang mga bata na mahimbing na natutulog.
Nagtamo ng taga sa tiyan ang 3-anyos na anak ng akusado, samantalang pinutulan ng mga kamay ang 13-anyos na stepdaughter nito.
Tinangka pigilan ng ina ng mga bata ang mister, ngunit wala itong nagawa kundi humingi na ito ng saklolo.
Agad rumesponde ang mga otoridad. Dinala sa pagamutan ang mga biktima kabilang na ang akusado na nagsaksak sa sarili matapos nagawa ang krimen.
Ayon kay PEMS Baluran, ini-hospital arrest ang akusado na hanggang pagsisisi nalang ang reaksiyon sa pangyayari.
Napag-alaman na dating drug surrenderee ang akusado na dating nakatira sa Trinidad, Bohol.
Mahaharap si Ibañez sa kasong frustrated murder to paricide.