Advertisers

Advertisers

Intel operative pinatay habang naglalaro ng billiard

0 338

Advertisers

PATAY ang isang intel operative nang barilin habang naglalaro ng billiard sa Ipil ,Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Arthur Alcantara Decena, intel operative ng Ipil Municipal Police Station, 34, ng Purok Saturn, Barangay Bangkerohan, Ipil .
Ayon sa ulat, 6:25 ng gabi nang maganap ang pamamaril habang naglalaro ang biktima sa Jerome Billard nang dumating ang isang lalaki, nilapitan ang pulis at binaril ito sa ulo.
Mabilis na tumakas ang salarin sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon pulisya sa krimen.
(Mark Obleada)