Advertisers

Advertisers

Tax discount para sa mga medical frontliners lusot na sa Kamara

0 204

Advertisers

Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang House Bill 7351 na layong bigyan ng 25% na diskwento o bawas ang personal income taxes ng mga COVID-19 medical frontliner sa panahon na sila ay naka-duty.
Paliwanag ni Albay Rep. Joey Salceda na siyang chair ng komite, itinulak nila ang naturang hakbang upang hindi na patawan ng tax ang hazard pay at iba pang allowance ng mga frontliner.
“The 25% discount will likely cover the taxes they would have owed on their COVID-19 allowances. That was the state’s attempt to compensate them for their service. Let me be clear: I do not want the government to tax their heroism,” paliwanag ni Salceda.
Nagkasundo naman ang mga mambabatas na ipako ito sa 25% na discount dahil batay sa pagtaya ng Dept of Finance, magrersulta ang full tax exemption ng P9 billion loss revenue
Sakop ng exemption ang salary o compensation pati na gross receipts na bayad sa pagsisilbi ng frontlienrs para sa Taxable Year 2020.
Hindi naman kasama dito ang kita mula sa kanilang businees, investment at iba pang uri ng passive income na walang kagunayan sa pagsisilbi, paggamot o pangangalaga sa COVID-19 patients.
Nakapaloob din sa naturang panukala ang pagbibigay kapangyarihan sa Secretary of Finance na palawigin ang tax filing ng anim na buwan. (Henry Padilla)