Advertisers

Advertisers

‘Tiktok’ bawal na sa mga taga- immigration

0 226

Advertisers

PINAGBAWALAN ng pamunuan ng Bureau of Immigration ( BI) ang kanilang mga opisyal at empleyado na maglabas sa social media ng group videos na sumasayaw at kumakanta suot ang kanilang uniporme habang umaakto ng ‘ tiktok’ kungsaan sila nakatalaga.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ipinataw ang pagbabawal upang mahigpit na ipatupad ang panuntunan ng ahensiya ukol sa pagsuot ng BI uniform na mayroong integridad dahil kinakatawan nito ang institusyon ng Philippine immigration service.
Sinabi pa ng opisyal na ang pagpapakita ng mga empleyado nito sa video na nakauniporme sa social media ay nakababawas sa reputasyon at lumilikha ng negatibong pananaw sa mga empleyado, partikular sa frontline immigration officers na nakatalaga sa Ports of NAIA.
Binalaan din nito ang lahat ng BI employees na papatawan ng kaparusahan ang sinumang makikita sa video ng social media na lumalabag sa kaniyang kautusan lalo na kung ‘on duty’ ang mga ito.(Jojo Sadiwa)