Advertisers

Advertisers

6 bahay nilimas ng kawatan sa magdamag sa Bulacan

0 182

Advertisers

ANIM na bahay ang napasok ng mga magnanakaw sa loob lang ng magdamag sa isang barangay sa Malolos, Bulacan.
Sa ulat, aabot sa P100,000 cash at ari-arian ang natangay ng mga kawatan sa anim na bahay na pinasok nito sa Barangay Look 1st.
Ayon sa may-ari ng isa sa mga bahay na nilooban, nakapasok ang kawatan sa pamamagitan ng pagdaan sa bubungan at sinira ang kanilang kisame.
Ayon sa isang barangay kagawad, hindi gumagana ang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng mga nakagawan na makatutulong sana sa imbestigasyon. (James de Jesus)