Advertisers
MULI na namang ipinagpaliban ang ASEAN Football Federation (AFF) Championship dahil sa coronavirus pandemic.
Una kasing itinakda ang nasabing torneyo noong Nobyembre at ito ay inilipat sa Abril at Mayo sa susunod na taon.
Dahil aniya sa patuloy na COVID-19 pandemic, isasagawa na lamang ang nasabing torneyo sa Enero 1, 2022.
Ayon kay AFF pesident Khiev Sameth, bilang pag-iingat at para wala ng mahawaan pa ay nagdesisyon silang ipagpaliban na lamang ito.
Kasabay din nito ay kinansela rin ng AFF ang paglulunsad nila ng bagong club competition na ASEAN Club Championship hanggang sa 2022 dahi sa maraming mga nagaganap na kompetisyon.
Kasalukuyang hawak ng Vietnam ang kampeonato.