Advertisers

Advertisers

Construction worker nakuhanan ng P2.4M ‘damo’

0 215

Advertisers

Naaresto ang isang construction worker at kasabwat nito nang makuhanan ng marijuana na nasa higit P2 milyon ang halaga sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Don,” 24, at alyas “Marky,” 29, na kapwa taga-La Trinidad, Benguet.
Sa report, 3:00 ng madaling araw nang mahuli ang mga suspek sa Quirino Highway sa Novaliches.
Ayon sa ulat, ginagamit pa umano ng mga suspek ang kanilang work permit at travel pass para makapagbiyahe at maglusot ng droga mula probinsiya papuntang Maynila.
Kumpara sa mga regular na marijuana, mas mahal at de kalibre umano ang marijuana na nakuha sa 2 suspek dahil tinatawag itong “lagkit” at tila hinog na hinog na.
Tinatayang 20 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.4 milyon ang narekober sa mga suspek.
Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.