Advertisers

Advertisers

Lalaki nasa waiting shed nabangga ng ambulansya, nabali ang paa

0 217

Advertisers

ISANG lalaki ang nabalian ng paa nang salpukin ng ambulansiya ang waiting shed kungsaan nakatayo ang biktima sa Gitagum, Misamis Oriental
Kinilala ang biktima na si John Mark Dial, 18 anyos.
Sa report, papunta ang ambulansiya sa barangay hall para kumuha ng gamit para sa health center nang mabangga nito ang isang waiting shed kungsaan nakatayo si Dial. Nadamay din sa aksidente ang ilang motorsiklo.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang driver habang papaliko ito at sumalpok sa waiting shed. Ayon sa driver, dumulas ang paa nito sa pag-apak sa preno at umapak ito sa accelerator.