Advertisers

Advertisers

Manyakol huli sa sextortion, droga

0 204

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki sa reklamong ‘sextortion’ sa Abulug, Cagayan.
Ang dinakip ay kinilalang si Reygi Cabanglan, residente ng karatig-bayan na Ballesteros.
Sa report, nagsumbong ang 29-anyos na babae sa pulisya nang makatanggap ng pagbabanta mula kay Cabanglan.
Ayon sa ulat, inaya ni Cabanglan ang babae na makipagkita sa kanya para magkipagtalik at tinakot ito na kung hindi papayag ay ipapakalat nito ang mga hubad na larawan ng biktima.
Hinuli si Cabanglan noong Sabado sa isang inn sa Barangay Libertad, Abulug kungsaan tatagpuin nito ang biktima.
Narekober kay Cabanglan ang cellphone na naglalaman ng umano’y hubad na larawan ng biktima.
Napag-alaman na dati nang nahuli si Cabanglan sa parehong modus at sumuko narin noon dahil sa pagkakadawit sa iligal na droga.
Nagkakilala sina Cabanglan at biktima sa pamamagitan ng text messaging at minsan narin silang nagkita sa Apayao.
Nasampahan na si Cabanglan ng grave coercion at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil nakunan ito ng sachetng shabu, Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, at Cybercrime Prevention Act of 2012.