Advertisers

Advertisers

2 ‘basag kotse’ dumayo sa Cavite timbog

0 266

Advertisers

DALAWANG lalaki mula sa Tondo, Maynila na “basag-kotse” ang modus ang dumayo pa sa Silang, Cavite para maghanap ng bibiktimahin.
Kinilala ang mga naaresto na sina Carlo Pantaleon at Jeffrey Momongon, parehong tricycle driver sa Tondo.
Sa ulat, makikita sa kuha ng CCTV ang ginawang pagsilip ng isang lalaki sa loob ng isang nakaparadang pick-up truck. Maya-maya lang ay binasag na ng lalaki ang salamin sa kanang bahagi ng sasakyan at kinuha ang bag at laptop sa loob at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
Sa hindi naman kalayuan mula sa pick-up truck, isang kotse rin ang tinira ng grupo at may nakuha rin silang bag na may lamang wallet at pera.
Nagsumbong sa mga awtoridad ang mga biktima at nang magsagawa ng follow-up operation ang mga pulis, nahuli ang mga suspek sa tulong narin ng kuha ng CCTV.
Nabawi sa mga magnanakaw ang lahat ng mga ninakaw na gamit sa dalawang sasakyan na kanilang binasagan ng salamin.
Patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad at iba pang kasamahan ng dalawa.