Advertisers
ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhanan ng pekeng gold bars sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ang mga naaresto na sina Boy Minang Faan at Dante Atam Fundo.
Sa ulat, sa isinagawang entrapment operation, nakuha sa mga suspek ang 2 pekeng Canadian gold bars na ipinagbibili sa halagang P100,000.
Depensa ni Faan, ipinadala lang sa kanila ang gold bar at hindi nila alam na peke ang mga ito. Hindi naman nagbigay ng pahayag si Fundo.