Advertisers

Advertisers

HOSTAGE!: Mister patay, misis at pulis sugatan

0 215

Advertisers

NAUWI sa madugong bakbakan sa pagitan ng joint police-military operations laban sa miyembro ng gun for hire na wanted ng kasong murder at frustrated murder ang simple sanang pagsilbi ng warrant of arrest sa Barangay Dimayon, Tagoloan, Lanao del Norte.
Kinilala ang nasawi na si Mohammad Ali Abdulwahid alyas Muka, 39, may asawa, at naitalang number 1 most wanted sa municipal level ng lugar.
Sugatan naman sina Patrolman Madi Saranggani ng Baloi Police Station at misis ng suspek na si Norhanie Palao.
Sa ulat, nanlaban si Abdulwahid nang isilbi ang warrant of arrest sa kinakaharap na kasong kriminal sa korte.
Inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj. Saad Salman na bago pa mapasok ng mga pulis at sundalo ang lokasyon ng target ay pinaulanan na sila ng bala ng M-14 rifle, kungsaan tinamaan agad si Patrolman Saranggani. Kaya nagpalit ng istratehiya ang state forces para pakalmahin ang suspek.
Dagdag ng opisyal, dahil naiipit na ang suspek ay binaril nito ang paa ng sariling asawa at tuluyang ginawa ng hostage upang hindi makalapit ang mga otoridad.
Natagalan pa ng halos 20 oras ang pakikig-negosasyon dahil sa iba’t ibang hiniling ng suspek hanggang nagdesisyon ang PNP na tuluyan na itong i-neutralize.
Una rito, mismong ang kaanak ni Abdulwahid na si Tagoloan Mayor Maminta Dimakuta ang humikayat rito na kusang sumuko subali’t hindi ito pinagbigyan kaya nagtapos ang madugong hostage drama.