Advertisers
TIMBOG ang isang kilabot na carnapper nang matunton ng mga awtoridad sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) ang sasakyang hiniram at pinakarnap nito sa kanyang kasabwat sa Angeles City.
Kinilala ang naaresto na si Jayfril Rubio, 28, residente ng Barangay Tikay, Malolos, Bulacan.
Sa report, hiniram ng suspek ang Toyota Vios ng kaibigan at sinabing kinarnap ito sa tapat ng kanyang bahay nitong December 6, bandang 11:00 ng gabi.
Agad humingi ng tulong ang may-ari ng sasakyan sa Calumpit Police para hanapin ang kanyang kotse sa pamamagitan ng GPS. At natunton ng mga awtoridad ang kinalalagyan ng ninakaw na sasakyan na nasa Mining Road, Pandan, Angeles City.
Nang matunton ng mga awtoridad ang Vios ay pinaharurot naman ng hindi kilalang driver hanggang sa magkahabulan at makatakas ito.
Nang berepikahin ng mga awtoridad ang GPS ay taliwas sa sinabi ng suspek na sa tapat ng bahay nila nawala ang Vios.
Napag-alaman na modus operandi na ni Jayfril at kasabwat nito na hindi nakilalang driver ang humiram ng kotse at palalabasing kinarnap.
(James de Jesus)