Advertisers
TODAS ang isang sub leader ng Abdussalam kidnap for ransom group (KFR) nang manlaban sa mga otoridad na maghahain ng warrant of arrest sa Zamboanga City nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Samad Awang alyas Ahmad Jamal, sub leader ng Abdussalam group.
Ayon sa ulat, 12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng PNP Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Unit, Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion-9, Police Station-6, Zamboanga City Police Office,AFPJoint Task Force Zamboanga at Marine Battalion Landing Team 11 sa Sitio Sahaya, Brgy. Mampang, Zamboanga City.
Nakatunog ang suspek sa papalapit na mga operatiba at pinaputukan niya ang mga ito. Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta ng pagkasawi ng suspek.
Si Awang ay pang- 25 sa listahan ng KFRG wanted list ng Police Regional Office 9. Pinamunuan niya ang pagkidnap kina Joel Endino noong Enero 29, 2011, sa Ipil, Zamboanga Sibugay; Gean Carlos Bossi noong 2007; at Kathy Casipong noong 2013.(Mark Obleada)