Advertisers
UMAPELA kay Manila Mayor Isko Moreno at sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) na kinikilan ng isang libong piso ng kanilang barangay chairman na kaagad itong ipasuspinde dahil tinatakot nito ang mga testigo.
Ayon sa source ng Police Files TONITE, nangangamba sa kanilang seguridad ang complainants dahil sa pananakot ni Chairman Augusto Jojo Salangsang ng Brgy. 261, Tondo, Manila.
Nabatid na nalaman ni Salangsang ang pagbibigay ng sinumpaang salaysay ng ilang testigo sa mga pulis ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa Manila City Hall na may hawak ng kaso.
Kaagad umanong ipinatawag ni Salangsang ang ilang complainants at kinuwestyun ang pagbibigay nila ng salaysay laban sa kanya.
Dahil dito, hiniling ng complainants na patalsikin na sa barangay ang kapitan upang hindi na makaperwisyo pa.
Magugunitang nakuhaan ng video ang pangingikil ni Salangsang ng pera sa SAP beneficiaries, kungsaan dinamay pa niya ang ilang opisyal ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Sinampahan narin ng kaso ng opisyal ng MDSW si Salangsang sa DILG.