Advertisers
TIGOK ang Association of Barangay Captains (ABC) President ng Glan Padidu, Glan Sarangani province nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Lagao, General Santos City.
Kinilala ang biktima na si Isidrito Cañete, kasalukuyang Barangay Captain ng Glan Padidu at ex-officio member sa Sangguniang Bayan
Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng limang beses habang nakaupo sa harapang bahagi ng sasakyan.
Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng identification cards (IDs) na nakuha sa posisyon nito.
Una rito, kinumpirma ni Glan Mayor Vivien Yap na kanya pang nakasama sa meeting ang biktima.
Sa pahayag ng dating hepe ng Glan Municipal Police Station, ang biktima ay dating napabilang sa Inter-Agency Drug Information Database (IDID).