Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,383 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Disyembre 10.
Samantala ay mayroon namang naitalang133 na gumaling at 24 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.2% (27,781) ang aktibong kaso, 91.8% (409,058) na ang gumaling, at 1.95% (8,701) ang namatay.
Nanguna naman ngayon ang Quezon City sa may maraming naitalang kaso ngayong araw na may 83.
Ang Laguna ay, 75 na kaso at Maynila na mayroong 68 habang 65 sa Bulacan.
Samantala ang Davao City ay nasa ikahuling puwesto ng Top 5 mula sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso sa bilang lamang na 61 kaso. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)