Advertisers

Advertisers

Duterte magpapatawag ng cabinet meeting sa Lunes

0 201

Advertisers

MAGPAPATAWAG ng pagpupulong ng mga gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Disyembre 14.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, wala pa siyang impormasyon kung ano ang magiging agenda sa cabinet meeting. Kung sakali aniyang makakuha ito ng detalye agad niya itong ihahayag bago ang kanyang afternoon press briefing sa Lunes.
Ayon kay Roque, hindi gaano madalas ang pagpupulong ng gabinete dahil narin sa nagpapatuloy na banta ng pandemya.
Aniya madalang na lamang ang ipinapatawag na cabinet meeting ni Pangulong Duterte dahil narin sa pag-iingat na hindi mahawaan ng covid-19.
Pero kahit bihira ang mga pagpupulong na ito ngayong 2020, nais parin ni Pangulong Duterte na makausap ng personal ang mga cabinet official. (Vanz Fernandez)