Advertisers

Advertisers

Mag-utol nagpatayan dahil sa asin

0 300

Advertisers

DAHIL sa asin, nagtalo at nagpatayan ang magkapatid sa Sitio Bangku, Barangay Valencia, Carcar City, Cebu.
Kinilala ang magkapatid na sina Joven, 48; at Rocky Faustorella, 46, kapwa residente ng Sitio Pungtod, Barangay Valladolid, Carcar City.
Sa ulat, naganap ang patayan nitong Lunes, Disyembre 7, pero Martes na nadiskubre ang bangkay ng magkapatid sa loob ng restobar na kanilang pinagtatrabahuan.
Ayon sa report, caretaker si Joven sa naturang restobar, habang ang kanyang bunsong kapatid ay helper.
Ang electrician na si Jun Villegas ang nakadiskubre sa bangkay ng magkapatid nang magkabit sana siya ng wirings sa naturang resthouse.
Huling nakita ang magkapatid na Faustorella na nag-iinuman sa naturang restobar pero hindi malaman kung ano ang sumunod na nangyari.
Ayon naman sa kwento ng mga kasamahang trabahador, kahit sila ay natatawa sa away ng dalawa na para umanong mga bata dahil sinermonan ng bunso ang kanyang kuya dahil hindi masarap ang ulam na niluto nito dahil kulang sa asin.
Minsan ding nagtalo ang magkapatid dahil sa trabaho na nauwi sa away.
Samantala, ayon sa otoridad,posibleng aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa ulo si Joven at nag-suicide si Rocky dahil nakonsensya sa kanyang nagawa kaya’t nagbaril din ito sa sarili.