Advertisers
NASAWI ang spokesman ng National Democratic Front – Mindanao at kasamahan nito nang manlaban sa mga otoridad na maghahain ng warrant of arrest sa Tandang City, Surigao, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Alvin Luque alias Joaquin Jacinto/Joaquin Cordero, NDF Mindanao Spokesperson at member ng Executive Committee of Komisyon Mindanao (KOMMID) ng CPP-NPA-NDF. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawi nitong kasamahan.
Ayon kay PNP Chief, Gen Debold Sinas, 1:15 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Hermenia’s Resort, Baramgay San Agustin Sur, Tandag City, Surigao del Sur.
Maghahain ang otoridad ng 4 warrant of arrests na ipinalabas ng Regional Trial Court branches Agusan del Sur at Agusan del Norte sa mga kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention, Attempted Murder, at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 laban sa suspek nang pinaputukan ng mga suspek ang papalapit na mga operatiba, dahilan upang gumanti ng putok ang tropa.
Kabilang si Luque sa talaan ng mga Most Wanted na may patong sa ulo na P6 million.
Ipinag-utos ni Sinas sa lahat ng police commanders na pag-ibayuhin ang paghahain ng search warrants partikular sa miyembro ng CPP-NPA- NDF na mga wanted sa batas.(Mark Obleada/Gaynor Bonilla)