Advertisers
DINEPENSAHAN ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagdaragdag ng deputy speaker post sa Kamara.
Kasunod ito ng puna ng ilan matapos na siyam na kongresista ang itinalaga sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa Mababang Kapulungan nitong Lunes, Disyembre 7.
Paliwanag nito, ang desisyon ni House Speaker Lord Allan Velasco na magdagdag ng deputy speakers ay upang magkaroon ng sapat na representasyon ang lahat ng rehiyon at political parties na kanilang kinakatawan.
Inihalimbawa ni Rodriguez na itinalaga siya upang mas episyenteng pakikipag-ugnayan sa iba pang kongresista na kumakatawan sa Mindanao Region.
Itinalaga rin aniya siya para tumulong para sa ilang legal matters tulad ng constitutional issues sa mga panukalang batas na kanilang inihahain.
Kabilang sa mga bagong halal na deputy speakers sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc, Valenzuela Rep Eric Martinez, Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Zamboanga del Sur Rep. Divine Grace Yu, Saranggani Rep. Rogelio Pacquiao, Valenzuela Rep. Weslie Gatchalian at dating Minority Leader Benny Abante. (Henry Padilla)