Advertisers

Advertisers

Bong Go: Malasakit Centers pinakaligtas, pinakamabilis na tugon sa nais ng medical assistance

0 271

Advertisers

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng Filipino na gamitin ang serbisyo ng mga Malasakit Center, lalo ngayong may COVID-19 pandemic, sa pagsasabing patuloy ito sa pagbibigay ng pinakaligtas at pinakamabilis na iba’t ibang medical assistance mula sa gobyerno.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Go na sa tulong ng nasabing one-stop shop centers para sa mga nangangailangan ng medical assistance, hindi na kailangang sumabak sa napakahabang pila sa mga ahensiya ng gobyerno, maghintay nang matagal at malagay sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

“Batas na po ang Malasakit Center. Nasa loob na ng ospital ang apat na ahensya ng gobyerno—ang DOH (Department of Health), PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office), PhilHealth at DSWD (Department of Social Welfare and Development),” ani Go.



Ipinaliwanag ni Go na ang layunin ng Malasakit Centers ay matiyak na ang lahat ng Filipino ay magkaroon ng kombinyenteng access sa medical assistance na ibinibigay ng pamahalaan.

“Bakit papahirapan natin ang tao? Uulitin ko, ano ba ang Malasakit Center? Batas na po ‘yan para po ‘yan sa Filipino poor and indigent patients,” idiniin ni Go.

“Tutulungan po sila ng apat na ahensya ng gobyerno at ‘pag may balanse pa po ay meron pong—halimbawa sa PGH (Philippine General Hospital)—lapitan mo ang ahensya ng gobyerno, may pondong iniwan si Pangulong Duterte. Ang balanse mo babayaran pa ng pondong ‘yun. Ang target nito, zero balance billing,” anang senador.

Sa Malasakit Centers, ang representative ng isang pasyente ay magtutungo lamang sa opisina nito, pipirma sa isang form para mag-request ng assistance, imbes na pupunta sa iba’t iba o magkakalayong ahensiya ng pamahalaan.

Idinagdag niya na ang proeso sa paghingi ng tulong sa mga nasabing ahensiya ay mas pinadali sa pamamagitan ng Malasakit Unified Form.



Ang Malasakit Centers ay mayroon ding database upang mas maging madali sa mga staff ang pagkalap ng impormasyon ng pasyente.

Mayroon din itong express lane para sa mga persons with disability at senior citizens.

Ipinatutupad din dito ang estriktong health protocols.

Sa pagkakasabatas ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, ang lahat ng ospital na nasa ilalim ng DOH, maging sa PGH sa Manila, ay may mandatong maglagay ng Malasakit Centers.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Go na mayroon nang 94 Malasakit Centers sa buong bansa, ang pinakahuling itinayo ay nasa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union noong December 4.

“Sa mga kababayan natin, mga mahihirap na pasyente, kakabukas lang natin ng Malasakit Center sa San Fernando, La Union. Pang-94 na po ‘yan,” aniya. (PFT Team)