Advertisers

Advertisers

Covid update: 273 gumaling; 8 nasawi; 1,504 bagong kaso

0 700

Advertisers

NADAGDAGAN pa ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa matapos na makapagtala ng 1,504 bagong kaso nitong Biyernes, Disyembre 11 dahilan para umabot na sa kabuuang 447,039.
Samantala ay mayroon namang naitalang 273 na gumaling at 8 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.5% (29,001) ang aktibong kaso, 91.6% (409,329) na ang gumaling, at 1.95% (8,709) ang namatay.
Muling nanguna ang Davao City sa mga probinsya at syudad na may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 ngayong araw na umabot sa 122.
Sa Rizal na may 85, Quezon City na nakapagtala ng 80 kaso habang 67 sa Santiago City at 64 sa Bulacan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)