Advertisers

Advertisers

Kotse nang-araro sa Divisoria: 1 patay, 6 sugatan

0 232

Advertisers

ISA ang nasawi at anim ang sugatan nang humarurot ang isang kotse sa Divisoria, Maynila nitong Biyernes ng umaga.
Nasawi ang lalaking nagbibisikleta lamang nang mahagip ng kotseng pula ( NDL-9295) na minamaneho ng isang Armando Pitas, 55 anyos.
Sa report, 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahagi ng CM. Recto, Divisoria.
Sa ulat, may naunang nasagasaan ang kotse pero nagbalak na tumakas kaya’t lalo itong nagdulot ng pinsala sa ibang tao at sasakyan.
Bukod sa mga nasagasaan ng kotse, nadamay din ang ilang sasakyan tulad ng motorsiklo, pedicab at jeep.
Nag-iimbestiga pa ang pulisya sa pangyayari.
(Jocelyn Domenden)