Advertisers
INARESTO ng mga ahente ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang limang indibidwal na nagpapatakbo ng spa business na ginagamit sa sexual exploitation, habang nasagip ang 11 kababaihan na edad 20 hanggang 30 sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 as amended by RA 10364 (Expanded Trafficking in Persons Act) ang mga naaresto na sina Liecel Capicio, Miguel Diwata, Jay Baldomar at Robert Que Garcia.
Ayon kay NBI OIC Director, Eric Distor, naaresto sina Garcia at Jay Dominguez Abugho sa entrapment operation sa Quezon City matapos silang makatanggap ng impormasyon na nag-o-operate at nag-aalok ng menor de edad na babae ang establishment para sa sexual expoitation.
Ayon kay Distor, ang kilalang online platform na Manilatonight.com (MTC) – Manila’s Premiere Online Community aynakarehistrong miyembro lamang ang maaring maka-access ng online booking ng mga babae para sa massage therapy na may “extra service”.
Dagdag pa ni Distor, ang spa na Heart of Siam ay may nakapaskil na “closed” sa entrada, upang itago ang aktuwal na nangyayari sa loob, dahil sa pagbabawal sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ).
Hindi rin aniya puwede ang walk in costumers. Kaya kailangan ang online booking para sa reservation.
Natuklasan sa surveillance na nag-aalok ang naturang spa ng ‘all the way’ na may “1Pop” sa halagang P3,000; “Blow Job”, P2,000; “Boob fuck”, P1,500; “Slide to Heaven”, P1,500; “Body to Body”, P1,500; at “Twins” (2 babae), P7,000.
Sa isa pang operasyon, naaresto sina Capicio, Diwata at Baldomar sa Tomas Morato, Quezon City sa Spa Aichi na isa ring exploitation hub.
Ang mga kababaihan naman dito ay nagsasagawa ng “Nuru Massage” o hubo’t hubad na body to body massage na may “extra service” sa halagang P1,000 ang pinakamababa. Mayroon ding entrance fee na P1,500 hanggang P2,000.
Kasama ng NBI-AHTAD sa operasyon ang DSWD Social Worker at DOJ-IACAT.
(Jocelyn Domenden)