Advertisers

Advertisers

2 patay, 2 sugatan sa salpukan ng kotse at van sa Subic Bay

0 319

Advertisers

DALAWA ang nasawi at 2 ang sugatan nang magbanggaan ang kotse at van nitong Huwebes ng umaga sa Subic Bay Freeport.
Kinilala ang mga namatay na sina Apollo Perez, driver ng grey Toyota Vios; at Reynaldo Yumul na driver ng puting Mitsubishi L300 van; habang ang dalawa naman na nagtamo ng malubhang sugat sy kinilalang sina Marvin Cabilles at Rey Galang na kapwa pasahero ng Mitsubishi van.
Ayon sa ulat, habang binabaybay ng kotse ang patungong hilaga mula sa lugar sa Cubi area sa loob ng Freeport papunta sa Central Business District Area nang umikot ito sa tapat na linya bago sumalpok sa papalapit na van.
Sa report, hindi pa alam kung bakit lumipat ang kotse sa kabilang linya sa kahabaan ng Argonaut Highway sa loob ng freeport 8: 00 ng umaga.
Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklarang patay na si Perez, habang si Yumul ay namatay habang ginagamot.