Advertisers
UMABOT sa 1,085 na karagdagang kaso ng covid-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Disyembre 13.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,269 na gumaling at 3 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.9% (21,980) ang aktibong kaso, 93.2% (418,687) na ang gumaling, at 1.94% (8,733) ang namatay.
Sa mga probinsya at siyudad na nakapagtala ng maraming kaso ngayong araw, ang Quezon City ngayon ang nakapagtala ng mataas na kaso na mayroong 103.
Sinundan ng 46 kaso sa Rizal, 44 sa Makati, 43 sa Maynila at 39 naman sa Pasig.
Samantala, 16 duplicates ang inalis sa total case counts kung saan 14 ang recovered cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)