Advertisers

Advertisers

HALOS 100 ASG, LOCAL TERRORIST GROUPS TODAS SA MILITARY OPS!

0 210

Advertisers

IPINAGMAMALAKI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napanatili nila ang kanilang momentun laban sa teroristang Abu Sayyaf at iba pang local terrorist groups na nag-o-operate sa buong bansa.
Sa datos na inilabas ng AFP, nasa 68 ASG members na ang napatay sa operasyon ng militar ngayong taon, habang nasa 128 ang sumuko o nagbalik loob sa gobyerno.
Sa kampanya naman laban sa local terrorist group (LTGs) kabilang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF), nasa 31 terorista ang nasawi, 184 sumuko at 22 ang naaresto ng government forces.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay, sa impormasyon mula sa ground units, nasa 156 firearms at 10 Improvised Explosive Device (IEDs) ang isinuko ng mga sumukong terorista.
Ang pinaka huli dito ay ang pagsuko ng 15 ASG members sa Sulu kungsaan dalawa dito ay sub-leaders.
Ang 1101st Infantry Brigade ang nag-facilitate sa pagsuko nina ASG sub-leaders Alvin Yusop at Arab Puti at ng kanilang followers.
Sumuko rin sa militar ang tatlong ASG members na sangkot sa Kidnap for Ransom activities sa Tawi-Tawi. Ito’y sina Alsadi Hanain na bitbit pa ang kanyang M1 Garand rifle; Bennaser Pae dala ang kanyang M16A1 rifle; at Ugali Alimudin na bitbit naman ang kanyang M14 rifle.
Nasa 36 ASG members naman ang sumuko sa 4th Marine Brigade sa Omar, Sulu nuong December 4 dala ang kanilang 11 armas.
Kabilang sa major accomplishments ng militar sa Maguindanao ay ang pag-aresto ng 40th Infantry Battalion sa pitong miyembro ng BIFF sa Datu Hoffer, Maguindanao.
Nakasagupa din ng mga sundalo ang mga teroristang BIFF sa Sharif Aguak.
Napigilan din ng 11th Mechanized Company ang tangkang pag-atake ng grupo ni BIFF-Karialan Faction sa ilalim ng grupo ng isang “Diok”.
Nakasagupa naman ng 6th Infantry Division ang mga teroristang BIFF sa Datu Piang.
Nasa 31 members ng Daesh-Inspired Maute Group ang nahuli sa ikinasang combat operations ng militar, 35 ang sumuko habang 5 ang nahuli sa operasyon ng military mula January 2020. (Gaynor Bonilla/Mark Obleada)