Advertisers

Advertisers

Pondo sa pagtugon sa covid-19 kulang! – Sec. Duque

0 285

Advertisers

AMINADO ang Department of Health (DOH) na ang pondo partikular sa pagtugon sa Covid-19 pandemic sa bansa ay mababa at kulang kung saan nasa rank number 6 lamang kumpara sa ibang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang virtual celebration ng “12.12” International Universal Health Coverage Day.
Pag-amin ng kalihim, nahuhuli ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN kung saan nangunguna ang Indonesia na may pinakamalaking COVID-19 response package na may $116.33-bilyon batay na rin sa COVID-19 Policy Database ng Asian Development Bank.
Sinusundan ito ng Singapore na may total package na $89.14-bilyon kasunod ng Thailand na may $84.09-bilyon sa pangatlong puwesto; Malaysia ang ikaapat na may $80.7 bilyon.
Habang nasa ikalimang puwesto naman ang Vietnam na may total package na $26.96-bilyon, habang ang Pilipinas ang ikaanim na may $21.64-bilyon.
Sinabi ng kalihim na kulang ang nasabing pondo at kahit hindi mapantayan ang iba pang bansa sa ASEAN ay nagawa pa rin ng Pilipinas na mapababa at mabawasan ang bilang ng mga aktibong mga kaso gayundin ang mga kumpirmadong impeksyon. (Jocelyn Domenden)