Advertisers

Advertisers

Pulis timbog sa gun running

0 248

Advertisers

DINAKIP ang isang pulis at kasabwat nito sa gunrunning activities sa Metro Manila sa ikinasang operasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kinilala ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang mga naaresto na sina Senior Staff Sergeant Reynaldo Ursulum, 50, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng PRO-7 at residente ng Chavez St., Central Bic2utan,Taguig City; at Carvyn Parcon, 21, ng Dona Soledad Ave., Parañaque City.
Nakumpiska sa mga ito ang apat na Bushmaster M4A1 carbines, isang PNP-issued Taurus 9mm pistol, magazine assemblies with live ammunition, ID at ATM cards, at isang SUV na may plate number JUN 660.
Ayon kay Ursulum, ang nasabing mga baril ay galing sa Alabang, Muntinlupa City.
Ikinasa ang operasyon ng CIDG na kunwari ay bumibili ng 4 assault rifles na nagkakahalaga ng P500,000.00 sa suspek 10:00 ng gabi nitong Sabado sa harap ng isang restaurant sa Parañaque City.(Gaynor Bonilla)