Advertisers

Advertisers

4 NPA TODAS SA ENGKUENTRO SA MINDORO

0 244

Advertisers

APAT na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa Barangay Aguas, Rizal, Occidental Mindoro nitong Lunes ng umaga.
Sa ulat ni Captain Jayrald Ternio, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division, nakasagupa ng mga sundalo sa Sitio Surong, Brgy Aguas ang grupo ng 20 armadong NPA na tumagal ng 30 minuto.
Ayon kay Ternio, ang mga nasawing rebelde ay kinabibilangan ng isang babae at tatlong lalaki na hindi pa nakikilala sa nga-yon.
Walong matataas na ka-libre ng armas ang na-recover ng militar sa pinangyarihan ng insidente, na kinabibilangan ng anim na M16A1, isang M653, at isang M14.
Iniulat naman ni Colonel Jose Augusto Villareal, Commander ng 203rd Brigade, na walang sugatan sa panig ng kanilang tropa.
Pinuri naman ni Major General Greg T. Almerol, Commander ng 2ID, ang mga residente sa lugar na nagbigay ng impormasyon sa militar tungkol sa presensya ng NPA sa kanilang komunidad.
Ipinaabot din ni Maj. Gen. Almerol ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing NPA. Aniya, maiiwasan ang pagdurusa ng maraming pamil-ya kung ibababa lang ng mga NPA ang kanilang mga armas at umuwi na sa kanilang mga mahal sa buhay.