Advertisers

Advertisers

Bong Go: Department of Overseas Filipinos sagot upang maging epektibo, maitama ang burukrasya

0 217

Advertisers

IPINAGDIINAN ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahang magkaroon ng Department of Overseas Filipinos (DOFil) sa pagsasabing ito ang sagot sa inisyatibang maitama at maging epektibo ang burukrasya.
Matatandaang ilang beses inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang nasabing panukala ay isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon.
Naipasa na ng House of Representatives ang sariling bersyon nito sa naturang panukalang batas habang wala pa ring progreso sa isinasagawang deliberasyon nito sa Senado.
Idinadahilan ng ilang senador na kinakailangan muna maitama o maisaayos ang sistema sa pambansang pamahalaan bago lumikha ng panibagong departamento.
Ngunit iginiit ni Sen. Go na ang paglikha sa DOFil, sa katunayan, ay ang siya mismong katugunan para maging epektibo at maging wasto ang pamamalakad sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Go na mapapabilis ng panukalang DOFil ang galaw at ang koordinasyon ng mga ahensiya sa pangangailangan ng Filipino na dapat mapagsilbihan ng gobyerno.
Sinabi niya na sa pagtatayo ng DOFil, hindi ibig sabihin ay maibabasura ang mga nakatayo nang ahensya, bagkus ay mapagsasama-sama sila sa iisang executive department na may kinalaman sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng overseas Filipinos.
Aniya, hindi nilalayon ng DOFil na mas palakihin pa ang gobyerno kundi inilalagay lamang sa iisang departamento ang mga opisina na nangangasiwa sa pangangailangan ng OFWs at mabawasan ang red tape, mapabilis ang koordinasyon, at magkaroon ng klarong timon kung sino ang dapat na accountable.
Maiiwasan din sa DOFil ang overlapping ng ma gawain at mapag-iisa ang budgetary allocations sa isang government entity.
Tinatayang nasa 10 milyon ng populasyon ay kinokonsiderang overseas Filipinos kaya naman responsibilidad ng estado, ani Go, na mapangalagaan ang kanilang kapakanan.