Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,339 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Disyembre 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 41 na gumaling at 24 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (23,253) ang aktibong kaso, 92.9% (418,723) na ang gumaling, at 1.94% (8,757) ang namatay.
Ang Quezon City naman ang isa sa nakapagtala ng maraming kaso ngayong araw na may 147.
Mayroon namang 124 kaso ang Davao City, 65 sa Rizal, 50 sa Laguna at 49 sa lungsod ng Maynila.
Paalala ng DOH ngayong Kapaskuhan, bigyang karagdagang konsiderasyon ang lahat ng ating kilos.
Ayon pa sa DOH, muling nakakakita ng pagsipa ng mga kaso ng Covid-19, kaya paalala ng ahensya na umiwas sa lugar na maraming nagkukumpulang tao at magsuot lagi ng facemask, face shield.
Iwasan din ang pagkanta o malakas na pag-uusap at isapuso’t isip ang minimum health standards at ilayo ang mga minamahal sa peligro. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)