Advertisers

Advertisers

Government officials, employees kailangang maglabas ng SALN

0 240

Advertisers

OBLIGASYONG ilabas ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang kani-kanilang mga statement of assets liabilities and networth (SALN).
Ayon ito kay Professor Mon Casiple, isang political analyst, kasunod ng mga panawagan sa mga manggagawa ng pamahalaan na ilabas ang kanilang mga SALN.
Sinabi pa ni Casiple, ito’y sang-ayon sa saligang batas at ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ay gumagamit ng pondo mula sa kaban ng bayan.
Kasunod nito, kailangan din nilang gawing ‘available for audit’ ang kanilang mga saln hindi lamang ng Commission on Audit, pati na rin ng sambayanan. (Josephine Patricio)