Advertisers
KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang man-yakis na ama nang ireklamo ng paulit-ulit na panghahalay sa kanyang dalagang anak sa Malabon City.
Nabatid na ginulpi ng 54-anyos na ama na isang tricycle driver ang kanyang 20-anyos dalagang anak na itinago sa pangalang “Juvy” habang sinasabihan umano ng “walang makiki-nabang sa inyo kung hindi ako lang” makaraang tumanggi ang dalaga sa paulit-ulit na pambabababoy sa kanya ng sariling magulang.
Dahil dito, napilitan nang ipagtapat ng biktima sa ina ang ginagawang panghahalay sa kanya ng ama na itinago niya sa matagal ding panahon sa takot na totohanin ng ama ang banta na may mangyayaring masama sa kanila sa oras na magsumbong siya kaninuman.
Humingi ng tulong sa barangay at pulisya ang ina ng dalaga na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na ama nitong Sabado, naging dahilan upang maglakas loob narin ang 16-anyos na kapatid ng dalaga na lumutang at magsumbong sa ginagawa ring panghahalay sa kanya ng sariling ama.
Napag-alaman na ang pinakahuling insidente ng panghahalay kay Juvy ay nitong Biyernes ng umaga. Batay sa pagsusuri na isinagawa sa kanya ng medico-legal ng Northern Police District (NPD) Crime Laboratory, positibong hinalay ang dalaga na hindi lamang minsang naganap, tulad ng sumbong ng biktima.