Advertisers

Advertisers

Pulis-Maynila na adik pinasisibak

0 292

Advertisers

PINASISIBAK sa serbisyo ni Philippine National Police Chief, Gen. Debold Sinas, ang isang pulis nang magpositibo sa isinagawang drug test.
Kinilala ang pulis na si MSgt. Leonardo Mariano Jr., nakata-laga sa Manila Police District (MPD), na nagpositibo sa confirmatory drug test ng PNP Crimelaboratory.
Ang resulta ng drug test ay pinadala sa Regional Internal Affairs Office upang isailalim ito sa pre-charged investigation.
Ayon kay BGen Steve Ludan, Dir. PNP Crimelab, si Mariano ay kabilang sa 74 pulis na participant sa ginanap na Finance Course for Non Commissioned Officer sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City nitong Dec 11, 2020 na sumai-lalim sa mandatory drug testing.
Sinabi ni Ludan na nagpositbo sa paggamit ng shabu si Mariano sa isinagawang comfirmatory drug test.
Aniya, ang pagsasagawa ng mga random drug test ay bahagi ng direktiba ni Sinas sa pa-tuloy na kampanya ng PNP na malinis ang hanay ng pambansang pulisya sa mga tiwaling miyenbro nito.
Mahigit sa 400 pulis ang sinibak na sa serbisyo nang makumpirmang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga mula 2016. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)