Advertisers

Advertisers

Mayor Isko may dobleng Pamaskong handog sa Manilenyo

0 216

Advertisers

DOBLE o triple ang biyayang matatangap ng mga taga-Maynila ngayong Pasko.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay dahil sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na maayudahan ang mga residente ng Maynila.
Nitong Lunes, sinimulan na ni Mayor Isko ang pamimigay ng Christmas food pack para sa 650,000 pamilya.
Ayon kay Mayor Isko, ang mga senior citizen sa Maynila ay may: Christmas pack for family, Financial assistance na P3,000 hanggang P6,000; 5-kilos organic rice; at Christmas pack pa sa seniors.
Kung may anak na solo parent ang isang senior citizen o nag-aaral sa Universidad de Maynila at Pamantasang Lungsod ng Maynila o may senior high school na kasama sa bahay, may dagdag na ayuda pa ang lokal na pamahalaan ng Maynila. (Jocelyn Domenden)